Bob Ong Quotes for Valentines' Day - Lazy Investing Way

Hot

Tuesday, February 15, 2011

Bob Ong Quotes for Valentines' Day

Ano ang dapat kong gawin kung ang pinakamagandang bahagi ng buhay ko ay ikaw?
Makikita nyo sa ibaba ang mga Bob Ong Quotes for Valentines' Day na kinuha ko sa kung saan-saan. Para eto sa mga may minamahal at sa mga still-2-be-taken, needs to be taken, taken-for-granted, waiting-2-be-taken, almost taken, never-taken, EMO, Hopeless Romantics, Torpe, Ogobs sa Lab-lab, newbie, fools, atbp.! Pasalamatan nyu si Bob Ong dahil malay mo, niligtas nya ang buhay nyo! BWahaGHahah

On Gift-giving:
  • Mag bigay ka ng Century Tuna, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na “Omega 8.” Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: “because you’re good for my heart.”
  • Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, “Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.”
  • Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, “natunaw na kakatitig sa’yo.”
  • Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: “Walang kulay ang buhay kung wala ka.”
  • Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: “Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa’kin.”
  • Itext mo siya ng: “Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!”
  • Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na “don’t leave your valuables unattended”
On random love advice:
  • "Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."
  • "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
  • Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso...Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal
  • “Kapag pinag-aagawan ka malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.”
  • “Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”
  • “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”
  • “Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.”
On emo-ness:
  • "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."
  • "hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "
  • makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo satabi mo...
  • Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.
  • ang pinakamirap na parte ng paglayo sa taong hindi ka kayang mahalin ay ang katotohanang hindi ka nya hahabolin
  • “Ang trahedya ng buhay ko? Hindi ako nagkaroon ng kapangyarihang makapagsabi ng tamang bagay sa tamang tao sa tamang panahon”
  • “Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ng maraming tao para makabuo ng mundo e. Minsan, isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.”
  • “Mahirap isipin ang mga bagay na kung ikaw mismo e hindi mo maipaliwanag sa sarili mo….”
  • "paano mo makikita yung taong para sa'yo kung ayaw mo namang tantanan yung taong pinipilit mong maging para sa'yo."
  • Walang taong manhid, hindi lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo s'yang diretsuhin.
Para sa mga Bitter:
  • “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
  • “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”
  • "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
  • “Minsan, kailangang ituro ng mundo sa’yo ang tama sa paraang masasaktan ka para matandaan mo.”
  • Makakabalik ka nga sa lugar pero hindi sa panahon… makikita mo ulit ang taong minahal mo pero hindi na mauulit ang naramdaman ninyo noon. Lahat ng nangyari noon ay isa na lamang masayang gunita ngayon, isang bintana sa kahapon, na paminsan-minsan ay gusto mong masulyapang muli… sabay bulong sa sarili: Sana pwedeng ibalik ang mga nangyari noon para magawa kong tama ang mga maling desisyon ng pagkakataon…
  • Minsan, kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo paring maghintay, kasi hindi ikaw ang priority

About Bob Ong, Sino si Bob Ong?

Roberto Ong or famously known as Bob Ong but just a pseudonym name he is a writer of comedy quotes in the Philippines. No one really knows who is Bob Ong. Bob Ong is a Filipino contemporary author who uses conversational Filipino in his writings. It's not his real name and so far his identity remains anonymous up to now. He has published six books including:

  1. ABNKKBSNPLKo!
  2. Bakit Baligtad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino?
  3. Ang Paboritong Libro ni Hudas
  4. Alamat ng Gubat
  5. Stainless Longganisa
  6. Macarthur


All of Bob Ong quotes is Tagalog. If you are from the Philippines, I'm sure that you've heard of Bob Ong. Bob Ong Quotes book/s where sold all over the Philippines.

ALL HAIL BOB ONG! Sana naman, na tuwa kayo sa post na ito :D

Photo source: leeeeeyan.tumblr.com

11 comments:

  1. i luv bob ong!!!

    ReplyDelete
  2. ilove bob ong!

    ReplyDelete
  3. Hala! Aylayk lage :)) Pero na-neng jud ko sa ice cream :D

    ReplyDelete
  4. ice cream jud! :))

    i wonder asa dapit dri nka.relate c iggy. hahahaahha. XD

    ReplyDelete
  5. Emee Ginn NapolesJuly 2, 2012 at 9:43 PM

    hahaha ganda naman hhehehe gawin ko yan

    ReplyDelete